ANG BALDOMERO SHRINE
12.07.2014: Binakayan, Kawit
Sa bahay na ito nanirahan si Hen. Baldomero Aguinaldo at ang kanyang mag-anak. Itoay pinatayo noong 1906 at pinabalik ng Intramuros Administration noong 1982-1983. Ang bahay at lupa na ito ay ipinagkaloob ng Punong Ministro Cesar E.A. Virata sa Pamahalaan ng Pilipinas.
Sino nga ba si Hen. Baldomero Aguinaldo?
Ang litratong ito ay kinuhanan sa loob ng shrine. |
Si Heneral Baldomero ay isinilang noong Pebrero 28, 1869 sa Binakayan, Kawit, Cavite. Pinsang buo siya ni Heneral Emilio Aguinaldo, unang presidente ng Republika ng Pilipinas. Naging pinuno rin siya ng Himagsikang Pilipino.
Ang piano na ito ay nagana pa hanggang ngayon ngunit ang ibang keys nito ay hindi na. |
Ito ang silid-tulugan ni Heneral Baldomero Aguinaldo. |
Sa likod ng bahay ni Hen. Baldomero Aguinaldo ay matatagpuan ang kanilang "family plot" kung saan dun sila nakalibing ng kanyang pamilya.
At doon nagtatapos ang aming paglilibot sa Baldomero Aguinaldo Shrine. Simple lamang ito ngunit napapanatili pa rin ang ganda at kalinisan nito.
No comments:
Post a Comment