Thursday, December 25, 2014

LAKBAY SA CAVITE

Disyembre 07, 2014

Ang simula ng paglalakbay ng aming grupo, Kabihasnang Makabayan ng pagkat 7 - Curie mula sa Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Maynila (Manila Science High School), para sa aming proyektong panturismo. 

Lahat kami ay nakahanda na para sa aming paglalakbay sa ilang bahagi ng Cavite. Ang lungsod na ito ang aming ninais na tuklasin dahil marami ang mga makakasaysayang lugar dito na tiyak naman na kapupulutan ng aral. Matutuwa ka na dahil sa ganda ng mga lugar dito, may matututunan ka pang mga impormasyon tungkol sa kasaysayan ng ating bansa. 

Kaya naman bilang isa sa mga miyembro ng Kabihasnang Makabayan, niyayaya kita na tuklasin ang bayan ng mga Kabiteño!

~ Ang mga larawang inyong makikita ay kami mismo ang kumuha. Kung inyong nais gamitin, maaari posana kayo'y magpaalam. Maraming salamat po at happy learning! ~

- Edline/youngpinoytraveller 

Tuesday, December 23, 2014

ANG CUENCA RESIDENCE

12.07.2014: Bacoor


Ito ang Cuenca Residence na mas kilala sa katawagang "Bahay na Tisa". Sa tahanang ito ng mag-asawang Juan Cuenca at Candida Chaves inilipat ni Heneral Emilio Aguinaldo ang Pamahalaang Rebolusyonaryo buhat sa bayan ng Kabite (Cavite) noong ika-15 ng Hunyo 1898, matapos maipahayag at maipagdiwang ang Pagsasarili ng Pilipinas sa Kawit, Kabite noong ika-12 ng Hunyo 1898, upang mapalapit sa mga kalaban sa Maynila. Nanatili rito hanggang sa malipat sa Malolos, Bulakan noong ika-10 ng Setyembre 1898. Noong ika-23 ng Enero 1899 ay itinatag ang Unang Republika Pilipina.. 







Magpasahanggang ngayon ay napapanatili pa rin ang bahay ng tirahang ito, hindi ba?

ANG PAROKYA NG SAN MIGUEL ARKANGHEL

12.07.2014: Bacoor



Mula sa Cuenca Residence, bumiyahe kami ng limang minuto lamang papuntang Parokya ng San Miguel Arkanghel.

Ang Parokya ng San Miguel Arkanghel ay itinatag noong ika-18 ng Enero 1752 mula sa kapangyarihan ng isang Cedula Royal na isinabatas ni Ferdinand VI, Hari ng Espanya, sa taon ng panunungkulan ni Papa Benito XIV, na kanyang ipinahatid kay Luis Perez Dasmariñas, ang Gobernador Heneral sa Pilipinas. Mula noon, ang parokya ng ng Bacoor ay humiwalay mula sa Kawit. Napag-alaman na ang kapilya sa Bacoor na gawa sa kawayan, pawid at nipa, ay itinayo noong 1669 sa dating lugar na siyang kinatitirikan nito ngayon.

Si Padre Mariano Gomez ang naging kura paroko sa bayan ng Bacoor sa loob ng 48 na taon. Isinilang siya sa Sta. Cruz, Manila noong Agosto 2, 1799. Siya ang nagtanggol sa karapatan ng mga paring Pilipino. Isinangkot siya sa pag-aalsa sa Kabito noong Enero 20, 1872 at ipinapatay noong Pebrero 17, 1872 na kasama sina Padre Jose Burgos at Jacinto Zamora (GOMBURZA). 




Ang litrato namin sa gilid ng simbahan.





Ang tableta ng impormasyon tungkol kay Padre Mariano Gomez.















Ito naman kami sa loob ng opisina ng parokya. Dito rin matatagpuan ang kasaysayan ng simbahan.

ANG BALDOMERO SHRINE

12.07.2014: Binakayan, Kawit


Sa bahay na ito nanirahan si Hen. Baldomero Aguinaldo at ang kanyang mag-anak. Itoay pinatayo noong 1906 at pinabalik ng Intramuros Administration noong 1982-1983. Ang bahay at lupa na ito ay ipinagkaloob ng Punong Ministro Cesar E.A. Virata sa Pamahalaan ng Pilipinas.

Sino nga ba si Hen. Baldomero Aguinaldo?

Ang litratong ito ay kinuhanan sa loob ng shrine.

Si Heneral Baldomero ay isinilang noong Pebrero 28, 1869 sa Binakayan, Kawit, Cavite. Pinsang buo siya ni Heneral Emilio Aguinaldo, unang presidente ng Republika ng Pilipinas. Naging pinuno rin siya ng Himagsikang Pilipino.

Ang piano na ito ay nagana pa hanggang ngayon ngunit ang ibang keys nito ay hindi na.

Ito ang silid-tulugan ni Heneral Baldomero Aguinaldo.

Sa likod ng bahay ni Hen. Baldomero Aguinaldo ay matatagpuan ang kanilang "family plot" kung saan dun sila nakalibing ng kanyang pamilya.




At doon nagtatapos ang aming paglilibot sa Baldomero Aguinaldo Shrine. Simple lamang ito ngunit napapanatili pa rin ang ganda at kalinisan nito.

ANG IMUS TOWN PLAZA

12.07.2014: Imus


Sa Imus Town Plaza matatagpuan ang marker ng Imus. Dito rin matatagpuan ang istatwa ni Licerio Topacio na itinayo noong 1930, bilang alaala ng bayan ng Imus sa kaniya. Sinasabi rin na ang mga canyon dito ay nasa mahigit na animnapung taon na ang tanda. 



Ang Imus ay ang nabuong parte sa Hacienda de Imus na pagmamay-ari ng mga pari noong 1686. Naging isang munisipalidad ito noong 1795 at nasakop ng mga rebolusyonaryo noong Setyembre 1, 1896. 




ANG CAMP GENERAL PANTALEON GARCIA 

12.07.2014: Imus





Sa loob ng kampong ito matatagpuan ang Arsenal ng Imus.

Ito ang larawan ng aming grupo sa harap ng Arsenal ng Imus.
Sa pook na ito, noong 1896, itinatag ng isang Tsinong panday na si Jose Ignacio Paua, na naging heneral noong himagsikang Pilipino laban sa Espanya at labanang Pilipino-Amerikano, ang isang arsenal sa utos ni Heneral Emilio Aguinaldo. Dito ginawa at kinumpuni ang mga baril at lantaka ng mga manghihimagsik sa tulong ng iba pa niyang kapwa Tsino at rebolusyonaryo.




ANG ZAPOTE BATTLEFIELD MONUMENT AND BRIDGE

12.07.2014: Zapote, Las Piñas City


Sa pook na ito nakipaglaban ang mga Rebolusyonaryong Pilipino laban sa dalawang puwersa: sa mga Kastila noong ika-17 ng Pebrero 1897, kung saan ang Pilipinong heneral na si Edilberto Evangelista ay namatay. Ang isang digmaan naman ay laban sa puwersa ng mga Amirkano noong ika-13 ng Hunyo 1899, na pinangungunahan ni Heneral H.W. Lawton, na nasawi naman sa isang labanan sa San Mateo, Rizal, na pinamumunuan ng Pilipinong heneral na si Licerio Geronimo.


Kasama ko sa mga larawang ito ang aking mga kagrupo na sina Aldrin, Eisen, Julienne, Nika, Hazel at Tiffany.



Ang mga ito naman ang aking mga litrato sa Zapote Battlefield Monument at Zapote Bridge.

ANG BRIDGE OF ISABEL II

12.07.2014: Imus


Ang Isabel Bridge ay matatagpuan sa harap lamang ng Camp General Pantaleon Garcia. Dito naganap ang labanan sa Imus noong ika-1 at ika-3 ng Setyembre 1896 kung saan nagapi ng mga rebolusyonaryong Pilipino sa pamumuno ni Heneral Emilio Aguinaldo ang hukbong Kastila ni Heneral Eduardo de Aguirre na sa pag-urong ay bumagsak at naiwan ang kaniyang "Sable de Mando".








Monday, December 22, 2014

ANG IMUS CATHEDRAL

12.07.2014: Imus


Ang "Cathedral of Our Lady of te Pillar" o mas kilala sa katawagang Imus Cathedral ay isang katolikong simbahan sa bayan ng Imus.

Ang katedral na ito ay naitatag noong 1795 bilang parokyang simbahan ng mga paring Augistinian. Si Padre Frasisco de Santiago, OAR, ang naging unang pari ng parokyang ito.